Linggo, Hulyo 17, 2011

Sentimyento

Itatago ko na lamang ang aking pagkatao sa pangalang Ligaya. Kabaliktaran ng mga nadarama ko sa pang araw-araw kong buhay. Marami akong naging pagkakamali sa buhay. Mga bagay na hindi ko sinasadyang gawin. Unti-unti kong itinatama at isinasaayos ang buhay ko. Kahit papaano nama'y napagtatagumpayan kong gawin ang bagay na ito.

Ilang beses na akong nagmahal. Sa kamalas-malasan, ako ang kadalasang nagagamit. Inaabuso ang kahinaang meron ako. At sa huli. Ako ang siyang naiiwan. Aaminin ko. Madalas ay hindi ko pinahahalagahan ang aking pagkatao. Pagdating sa paghanap ko sa taong mamahalin sa kung sino at ano ako.. Kadalasan ay napapabayaan ko ang aking sarili. Ginagawa ko ang mga bagay na alam kong gugustuhin nila upang matutunan nila akong mahalin.

Desperada ako. Desperada akong mahanap ang taong magmamahal sa akin. Isang taong magpaparamdam na importante ako para sa kanila. Ngunit hanggang ngayon, nananatili pa rin akong mag-isa.

Isa lang naman ang hinihiling ko. Ang magkaroon ako ng tapang na harapin ang kahinaan ko. At ang tanggapin ako ng mga taong mahal ko sa kung sino at ano ako.

2 komento:

  1. Magandang simula.

    Ipagpatuloy mo,

    makikinig ako. :)

    TumugonBurahin
  2. Salamat Ms. Chuniverse! Matagal ko ng sinusubaybayan ang iyong pahina. Nais kong magpasalamat sa ilang mga itinitipa mo.. Kapag nagagawi ako sa iyong pahina, naaalala kong magaan pa rin pala ang ngumiti at tumawa. Ngayon lang ako naglakas loob na gumawa ng isang pahina rito. :) Nawa'y maibigan mo ang ilang sentimyento sa buhay ko na itatala ko rito. Magandang araw!

    TumugonBurahin