Linggo, Hulyo 17, 2011

Usapang pag-ibig Part I

Sa edad kong ito.. Umabot sa dalawa ang naging nobyo ko. Sisimulan kong ikwento ang una.

Siya si Chito. Ang lalakeng unang minahal ko ng tumuntong ako sa edad na disi-otso. Minahal ko ang lalakeng ito hindi man kami gaanong nagtagal. Bihira din ang aming pagkikita sapagkat nag-aaral ako.. Dahilan kung bakit nasira ang relasyong sinusubukan pa lang naming buuin. Marahil ganoon nga. Bata pa kasi kami kaya hindi ito nagtagal sa paraang gusto namin. Puppy love baga. teenage chorva.

Matapos kong makipagrelasyon sa kanya. Napagtanto kong hindi pa nga ako handa sa pag-ibig. Tinutukan ko nalang ang aking pag-aaral dahil yun din naman ang aking prioridad.

Edad bente ng dumating si Akihiro. Matagal ko na siyang kaibigan. Nawalan ng komunikasyon hanggang sa magkatagpo ulit. Doon nagsimula na ligawan niya ko at nagtagumpay naman siya. Mabait siya ngunit may mga pagkakataong tinotopak siya. Tumagal kami ng halos isang taon. Sa kanya ko ibinigay ang halos buo kong pagkatao. Umikot ang mundo ko sa kanya.. Ginawa ko lahat ng magagawa ko para lang magtagal kami at hindi siya mawala sa akin.

Ngunit... Mukhang hindi yun naging sapat para sa kanya. May pagkakataong nagagalit siya pag gusto niya. Ipinipilit niya ang gusto niya at pag hindi ko sinunod ay magagalit siya. Hanggang sa isang araw, pisikal na niya akong sinaktan. Doon ako parang nabuhusan ng malamig na tubig. Doon ako natauhan. Matapos ang araw na yon kahit mahal ko pa din siya at masakit pa din sa akin, pinili ko ang sarili kong kapakanan. Pinili kong iligtas ang aking sarili.

Naniniwala akong kapag nasaktan ka na ng pisikal ng isang lalaki, masusundan at masusundan na yun. Bigla ko ring naisip ang aking mga magulang. Napalaki nila ako ng maayos at ni minsan ay hindi ako napagbuhatan ng kamay ng mga magulang ko.

Nagpapasalamat ako sa mga taong nanatiling nasa tabi ko matapos ang mga nangyari. Sila na sumuporta sa akin at tumanggap kahit na nagkamali ako sa buhay.

Aral na natutunan ko rito? Naniniwala akong kahit gaano man kalaki ang naging kasalanan ng anak, hinding hindi ka pa rin matitiis ng mga magulang mo. Kahit na minsan mo silang tinalikuran, tatanggapin ka nila hindi lang sa kadahilanang anak ka nila. Kundi dahil mahal ka ng mga magulang mo. Walang ibang tatanggap at magmamahal sayo sa kabila ng napakarami mong kagagahang pinaggagawa sa buhay mo kundi ang pamilya mo at ang mga tunay mong kaibigan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento