Linggo, Hulyo 17, 2011

Usapang pag-ibig part II

Matapos ang madilim na pakikipagrelasyon ko kay Akihiro.. Tumahimik ang buhay ko ng may ilang buwan din siguro. Masaya ako sa piling ng ilang kaibigan at pamilya ko. Hanggang sa isang araw..

Aksidente kong nakita si Chito. Kulang kulang dalawang taon rin simula ng huli kaming magkita.

Kamusta kna? Tanong niya.
Mabuti naman ako.. Tugon ko.

Kinuha niya ang numero ko. Binigay ko naman. Landi ko lang. hahaha. Doon na muling nagsimula ang pagkakaibigan namin.

Iknwento niya ang nangyari sa buhay niya sa loob ng dalawang taon. Meron na siyang 1 anak. Mahigit isang taong gulang na rin. Matapos ng relasyon namin. Dumating na ang ina ng anak niya. Nagbahagi rin naman ako ng ilan sa kaganapan sa buhay ko noong nakaraang dalawang taon. Magaan pa rin ang loob namin sa isa't isa.
Matagal din kaming naging magkaibigan. Mahigit 5 buwan din. Ikinukwento niya ang lahat lahat sa akin. Mga problema sa ina ng anak niya.

Hanggang isang araw. nakiusap siyang magkita kami. Nagtataka ako kung bakit. Nag-aalangan. Kailangan lang daw niya ng makakausap. Sa tono ng kanyang pananalita. Nadama kong may agam-agam siyang dinadala.

Ang isang beses na pagkikita ay nasundan ng nasundan. Puro problema sa pagsasama nila ng ina ng anak niyang nasa japan ang problema. kesyo nasasakal na siya na kahit malayo ang ina ng anak niya, kailangan niya pang magpaalam sa bawat lakad na pupuntahan niya. Ipinaintindi ko nman sa kanyang natural lang sa babae ang mag-alala dahil malayo sila sa isat-isa. Pasalamat nalang din at may ilang kapehang pwedeng pagtambayan. Nakakagaan sa pakiramdam na alam mong may taong nagtitiwala sayo ng ganoon. Masaya akong naging bahagi pa rin ng buhay niya.

Isang gabi sa paborito naming kapehan sa timog, nagtapat siya na higit pa rin sa isang kaibigan ang nararamdaman niya sa akin. Hindi ko tinanggap. Matapos ang gabing yun..

Iniwasan ko siya. Ang hirap. Sobrang hirap. Hindi rin siya tumigil. Hinanap niya ko. Araw araw siyang dumadaan sa bahay. At kung saan saan pa na alam niyang nandun ako. Napagtanto ko rin na hindi ko rin kaya.

Sa madaling sabi, nagkaroon kami ng relasyon. Alam ko na sa unang mali ngunit alam ko rin sa sarili kong mahal ko siya.

Halos araw-araw kaming magkasama. Walang away.. Mamamasyal kasama ng anak niya. Roadtrip mula rito hanggang antipolo o tagaytay.. Magtatanghalian, hapunan.. Kulitan. Masaya kaming tatlo.

Nung mga panahong yun dama ko ang importansya ko sa taong to. Dama kong mahal niya ko.. Isang araw habang bumabyahe kami papuntang antipolo..

Tahimik siya. Nagtataka ako... Bigla siyang huminto sa pagmamaneho at umiyak. Nagtatanong sa akin kung papaano na kami pagdating ng araw. Ilang beses na daw siyang nagpapaalam sa ina ng anak niya pero ayaw siyang bitawan. Nung mga panahong yun wala akong maisagot dahil kahit ako sa sarili ko, hindi ko alam.

Napag-usapan nalang namin na susulitin na lang namin ang bawat araw/panahon na magkasama kami. Hanggang sa dumating na yung kinakatakutan namin pareho.

Dumating ang gf niya mula japan ng walang pasabi. magkasama kami ng araw na yun at tinawagan siya. abot-abot ang kaba ko.. Pagdating ni chito sa bahay nila. Bukas ang laptop niya na wallpaper ang picture ko. kaharap ang gf niya.

Kinagabihan.. tinawagan ako ni Chito. Umalis daw siya sa bahay nila dala ang mga gamit niya. gusto niyang lisanin namin ang pilipinas. Tumanggi ako. Sinabi ko..
"siguro ito na yung oras para tapusin na natin to. Ayokong maging rason kung bakit lalaki ang anak mong walang ama sa tabi niya. Sa tagal ko kayong nakasama.. Alam kong mahal na mahal ka ng anak mo.. Lumaki siyang ikaw ang kasama. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko na dahil sa akin iiwan mo siya." Napalapit na din kasi sa kin ang bata.

Pinakiusapan ko siya.. Na bumalik sa pamilya niya. At mangako siyang bubuuin niya yun. Pakakasalan niya ang gf niya..

Umalis ako ng maynila.. Lumayo ako.. halos isang taon din. Wala akong pinagsisisihan sa nangyari. Masasabi kong isa ito sa masayang parte ng buhay ko. Mali man.. Alam kong minahal ako at pinahalagahan ng taong ito.

Nabalitaan kong ikinasal na siya sa ina ng anak niya. Nagsasama pa rin sila. Masaya akong malaman na tinupad niya yung kaisa-isang hiniling ko sa kanya.

Ako.. Eto patuloy pa ring umaasa na isang araw, matatagpuan ko rin ang taong para sa akin. ^_^ Ayon nga kay Ricky Lee..

May quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya.

Sa ngayon hindi pa ko kasama sa quota. pero alam kong hindi lang libo o milyon ang umiibig sa buong mundo. Darating ang araw, Ko-quota rin ako! Malay mo sabay pa tayo. :P


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento