Miyerkules, Nobyembre 9, 2011

Nakaw Tingin.

Isang gabing malamig, magsisimula kaming mag-inuman ng mga kaibigan ko. Isang hindi inaasahang tao ang dumating. Ang lalaking minsan kong nakatalik.. Si Gino kasama ang nobya niya. Agad ipinakilala sa akin ng tropa ko ang gf niya. Malugod niya akong binati at sinuklian ko naman 'yun. Habang masayang nag-iinuman, panakaw akong tinitignan ni Gino.. Di nagtagal, ramdam ko ang pagdampi ng paa niya sa binti ko.. Inilalayo at sinisipa ko ng marahan ang paa niya. Nanumbalik ang alaala ng nakaraan.. Ang maiinit na halik at yakap.. Ang sabay na pag indayog ng aming mga katawan.. Ang bawat ungol.. Pilit kong iwinawaglit ang isiping 'yon at itinutuon ko nalang sa iba naming mga kasama ang atensyon ko.. Ngunit hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa kanya. Putangina. Hindi naman siya matipuno o kung anuman pero ang lakas lang ng dating nitong lalaking ito sa akin. Kung hindi lang din talaga ako makakasagasa ng damdamin ng iba, aangkinin ko 'tong hayop na 'to e. Pero ang kay Juan kay Juan. Ang kay Pedro kay Pedro.. Alam kong 'pag nag paulit-ulit pa ang nangyari sa amin, ako rin lang ang maaagrabyado.

 Kaya kahit nananabik ako sa halik, haplos at mga yakap niya, ayoko ng maulit pa kung anuman ang nangyari sa amin sa nakaraan. Nakita kong mahal niya ang nobya niya at ganoon rin ito sa kanya.. Dagdag pa rito ang naging magandang pakikitungo sa akin ng nobya niya.

Huwebes, Setyembre 8, 2011

Konpyused

Ewan ko ba. Matapos ang ilang pangyayari, nangako ako sa sarili kong di ko na uulitin ang kagagahang ginawa ko. Pero ewan ko ba kung anong pinainom/pinakain sa akin ng putanginang lalaking yon at hindi ko siya maalis alis sa isip ko. Alam ko namang may nobya siya at kaibigan lang ang turing niya sa akin at malabong malabong maramdaman niya rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Para sa kanya, isa lang ako sa mga kilala/kaibigan niyang alam niyang may nararamdaman para sa kanya. Sa madaling sabi.. Isa lang ako sa opsyon kapag kailangan niya. Kung bakit isang text/tawag lang niyang magkita kami ginagawan at ginagawan ko ng paraan. Lusot kung lusot. Minsan sumasagi nalang sa isipan kong layuan siya. Wala rin namang patutunguhan e. Ako lang ang talunan. Pero anong magagawa ko? Kung isang text na pangangamusta niya lang buo na ang araw ko? Isang komento mula sa kanya, mensahe at kung anu-ano pa, masisilayan mo na sa labi ko ang matamis na ngiti ko. Kung bakit naman sa dinami-rami ng putanginang mga lalaking yan e sa isang taong pagmamay-ari pa ng iba ako nahumaling.

hindi ko maintindihan. Napalaki naman ako ng ayos ng mga magulang ko pero kung bakit naman pagdating sa ganitong sitwasyon e mas gaga pa ko sa gaga. Tangina lang. Hindi ko alam kung hanggang kailan, hanggang saan ang kagagahan kong 'to.

Isa lang sa ngayon ang sigurado ako.. Namimiss ko na siya. Tanginang pag-ibig yan. Nauso pa!

Huwebes, Hulyo 21, 2011

Kalurkey!

Naalala ko ang nangyari makalipas ang ilang buwan. Mahigit isang taon na rin akong walang nobyo.. Hanggang sa napagpasyahan kong makipagkita sa isang kaibigan.

Inuman. Kwentuhan. Kamustahan. Masaya siyang kasama. Masasabi kong sa mga oras na yon, magaan ang loob ko sa kanya. Ang minuto ay naging oras. Ang gabi ay unti unti ng lumalalim.. At medyo tinatamaan na rin ako sa alak na iniinom namin. Nagiging malambing na siya. At inaamin ko. Kinikilig ako.

Hanggang sa hinalikan niya ko. Shit. Tangina hindi ako makaiwas. Nagulat ako. Para akong nalalamig na hindi ko mawari. Hanggang sa ang mga halik ay nagtagal.

At nangyari ang di ko inaasahan. Ang unang pagkakataong... Nakipag-one-night-stand ako. Nakipag-kembular ako sa di ko boyfriend. Matapos yun at ng maghiwalay kami... habang bumabyahe ako pauwi... Mukhang mas malayo na ang narating ng utak ko sa paglalakbay. Mukhang naunahan na akong makarating ng isip ko sa bahay namin. Ang daming tanong.. Ang daming pangaral. Ang daming sisi.

Pero nangyari na e. Pareho naming ginusto. Nagsorry siya tungkol sa nangyari. Para akong nabasted ng panahong yun. Masakit din pala sa pakiramdam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko noon. Kung bakit ako naiiyak na nagsorry siya sa nangyari e samantalang hindi nga naman kami. Di naman ako dapat nasasaktan pero bakit pakiramdam ko nun nasasaktan ako. Wala nman akong inaasahan. Ineexpect. pero hindi ko maintindihan kung bakit ganun. Ang bigat bigat lang sa pakiramdam.

Nagsisisi ba ko? Marahil ay oo. Kasi pakiramdam ko may isang bagay sa akin ang nawala. Kahit sabihin na hindi siya ang nakauna. Pinag-iingatan ko ang sarili ko at pinagsisisihan ko kung bakit naging ganun kadali nung mga oras na yun ko nabitawan.

Ang tanga-tanga ko lang..

Maraming tanong ang bumagabag sa akin gaya ng:

Paano kung mag-iba na ang tingin sayo ng taong yun?
Paano kung sabihin niya sa iba ang nangyari? 
Lalayo ba ako?
Iiwasan ko nalang ba siya?


Pero hinayaan ko nalang ang panahon ang siyang magbigay para makalimot. Darating din ang panahong mawawala ang pagkabagabag ko.. Nagtagumpay naman ako. Naiwaglit ko na ang madilim na pangyayaring ito sa buhay ko. Sa ngayon ay nagpapansinan parin kami at nagkakamustahan paminsan minsan.. Ayos na yun.

Aral na natutunan ko? Mas maging matapang. Wag maging mahina. Maglagay ng limitasyon sa sarili. Mas pahalagahan ang sarili.

Para sa ilang tulad ko na nakaranas nito, magsilbi sanang aral at gabay ang kaganapang ito sa inyong buhay. respetuhin at pahalagahan niyo ang sarili ninyo.

Ito ang isa sa mga bagay na di ko na uulitin pa. Babae lang din ang talunan sa larong ito. Wala kang panalo.

Linggo, Hulyo 17, 2011

LRT/MRT

Sa halos araw araw na pagsakay ko sa LRT o maging sa MRT, pakiramdam ko matapos ang 20 minuto, unti unting nababawasan ang pagkababae ko.

Putangina. magugulat ka na lang na may parang kumikiskis sa bandang likuran mo na parang malaking bukol. Iiwas ka, siya ang magpupursiging ikiskis yun sa likuran mo.

Minsan gusto kong sumigaw. Gusto kong isigaw ang mga katagang: "Putangina mo kuya! Kung nalilibugan ka ikiskis mo sa pader yan tapos budburan mo ng asin! Hayup! Hayup!" Pero ginagawa ko, pasimple ko silang sinisikuhan. Pag napaaray, "Ay kuya pasensya ka na. Masyado kasing makalog itong tren" HAHAHA.

Kung hindi ka nman matsa-tsansingan, naandyang mababalya ka ng bonggang bongga! Malas mo nlang kung kaliligo mo lang at si kuya ay walang pakundangang babalya sayo habang nanlalagkit ang buong katawan niya sa pawis! Gudlak! Dahil tiyak na paglabas mo. Sing tindi na ni kuya ang amoy mo! Bwahahahaha! :))

Balyahan, tulakan, siksikan. Yan ang araw araw na sumasalubong sa akin sa LRT.

May mga pagkakataon naman na ang napapatabi sa kin ang bango bango na fafable pa! Kung pwede lang sumandal sa mga bisig niya.. :D Perfect! Hahahaha! Ang kyut kyut lang siguro namin tignan. What a perfect couple. Bwahahahaha.

May mga araw naman na makakasakay ka sa virgin na virging LRT. Walang laman. Muntanga lang yung iba sa pag-uunahang makasakay kahit napakaluwag ng LRT. Hahaha. Gusto kong sabihin:

"Kayo na kayo na. Mga sugapa kayo sa upuan e!" Haha. Pero di naman ako ganon ka-maldita. :D

Isa rin ang LRT sa nasasandalan ko kapag broken hearted ako. F na F ko ang pagkakasandal sa kabilang bahagi ng pintuan habang nakatanaw sa malayo at nagmumuni-muni. :))

Ikaw, anong storya mo sa pagbyahe sa LRT? :D isa ka din ba sa natsansingan o isa ka sa mga nanantsing? Choz!

Bagong Mundo.

Naisip kong buuin ang blog na ito sa ilang kadahilanan. Para sa akin, mas makakabuting dito ko ilathala ang lahat tungkol sa akin. Mula sa nararamdaman ko, ilang lihim ko at ilang pangyayari sa pang araw-araw kong pamumuhay. Para sa akin, sa panahon ngayon ay mahirap na ang magtiwala sa ilang tao sa paligid mo.

Hindi lahat ng taong nakangiti sayo ay kaibigan mo.
Hindi lahat ng taong dumaramay sa iyo ay may pakealam sayo. Ang iba, umuusyoso lang.

Ang pagbabahagi ng kahinaan o ilang lihim ay delikado. Maari nilang isiwalat ang lahat lahat tungkol sayo anumang oras nila naisin. Maari nilang gawing sandata yan para sirain ka. Maaaring hindi ka nila maunawaan at siyang maging dahilan para bumaba ang tingin sayo ng mga taong pinagkakatiwalaan mo.

Samantalang dito sa mundong ito.. Malaya kong maipapahayag anuman ang nararamdaman ko. Maari kong ikwento ang ilang bagay na nakapagpapabigat sa pakiramdam ko. May humusga man sa akin dito.. Hindi kasing-sakit ng panghuhusgang maririnig mo sa taong malalapit sayo. Mas mabuti ng makarinig ka ng negatibo sa ibang tao.. pero wala ng mas sasakit pa kung maririnig mo ang diskriminasyon sa taong pinapahalagahan at minamahal mo.

Lahat tayo may lihim. may mga bagay tayong hindi natin masabi sa mga taong mahal natin. Salamat sa mga sites na gaya nito. Ngayon, may takbuhan na ko kapag may mga nais akong ibahagi.

Wag kang mag-alala. Hindi lang puro kadramahan at ilang pagliligalig ko ang mababasa mo rito. Hindi naman siguro araw-araw trahedya ang nagaganap sa buhay ko. Magbabahagi rin ako ng masasayang pangyayari sa pang araw-araw kong pamumuhay. Abangan! :D

Usapang pag-ibig part II

Matapos ang madilim na pakikipagrelasyon ko kay Akihiro.. Tumahimik ang buhay ko ng may ilang buwan din siguro. Masaya ako sa piling ng ilang kaibigan at pamilya ko. Hanggang sa isang araw..

Aksidente kong nakita si Chito. Kulang kulang dalawang taon rin simula ng huli kaming magkita.

Kamusta kna? Tanong niya.
Mabuti naman ako.. Tugon ko.

Kinuha niya ang numero ko. Binigay ko naman. Landi ko lang. hahaha. Doon na muling nagsimula ang pagkakaibigan namin.

Iknwento niya ang nangyari sa buhay niya sa loob ng dalawang taon. Meron na siyang 1 anak. Mahigit isang taong gulang na rin. Matapos ng relasyon namin. Dumating na ang ina ng anak niya. Nagbahagi rin naman ako ng ilan sa kaganapan sa buhay ko noong nakaraang dalawang taon. Magaan pa rin ang loob namin sa isa't isa.
Matagal din kaming naging magkaibigan. Mahigit 5 buwan din. Ikinukwento niya ang lahat lahat sa akin. Mga problema sa ina ng anak niya.

Hanggang isang araw. nakiusap siyang magkita kami. Nagtataka ako kung bakit. Nag-aalangan. Kailangan lang daw niya ng makakausap. Sa tono ng kanyang pananalita. Nadama kong may agam-agam siyang dinadala.

Ang isang beses na pagkikita ay nasundan ng nasundan. Puro problema sa pagsasama nila ng ina ng anak niyang nasa japan ang problema. kesyo nasasakal na siya na kahit malayo ang ina ng anak niya, kailangan niya pang magpaalam sa bawat lakad na pupuntahan niya. Ipinaintindi ko nman sa kanyang natural lang sa babae ang mag-alala dahil malayo sila sa isat-isa. Pasalamat nalang din at may ilang kapehang pwedeng pagtambayan. Nakakagaan sa pakiramdam na alam mong may taong nagtitiwala sayo ng ganoon. Masaya akong naging bahagi pa rin ng buhay niya.

Isang gabi sa paborito naming kapehan sa timog, nagtapat siya na higit pa rin sa isang kaibigan ang nararamdaman niya sa akin. Hindi ko tinanggap. Matapos ang gabing yun..

Iniwasan ko siya. Ang hirap. Sobrang hirap. Hindi rin siya tumigil. Hinanap niya ko. Araw araw siyang dumadaan sa bahay. At kung saan saan pa na alam niyang nandun ako. Napagtanto ko rin na hindi ko rin kaya.

Sa madaling sabi, nagkaroon kami ng relasyon. Alam ko na sa unang mali ngunit alam ko rin sa sarili kong mahal ko siya.

Halos araw-araw kaming magkasama. Walang away.. Mamamasyal kasama ng anak niya. Roadtrip mula rito hanggang antipolo o tagaytay.. Magtatanghalian, hapunan.. Kulitan. Masaya kaming tatlo.

Nung mga panahong yun dama ko ang importansya ko sa taong to. Dama kong mahal niya ko.. Isang araw habang bumabyahe kami papuntang antipolo..

Tahimik siya. Nagtataka ako... Bigla siyang huminto sa pagmamaneho at umiyak. Nagtatanong sa akin kung papaano na kami pagdating ng araw. Ilang beses na daw siyang nagpapaalam sa ina ng anak niya pero ayaw siyang bitawan. Nung mga panahong yun wala akong maisagot dahil kahit ako sa sarili ko, hindi ko alam.

Napag-usapan nalang namin na susulitin na lang namin ang bawat araw/panahon na magkasama kami. Hanggang sa dumating na yung kinakatakutan namin pareho.

Dumating ang gf niya mula japan ng walang pasabi. magkasama kami ng araw na yun at tinawagan siya. abot-abot ang kaba ko.. Pagdating ni chito sa bahay nila. Bukas ang laptop niya na wallpaper ang picture ko. kaharap ang gf niya.

Kinagabihan.. tinawagan ako ni Chito. Umalis daw siya sa bahay nila dala ang mga gamit niya. gusto niyang lisanin namin ang pilipinas. Tumanggi ako. Sinabi ko..
"siguro ito na yung oras para tapusin na natin to. Ayokong maging rason kung bakit lalaki ang anak mong walang ama sa tabi niya. Sa tagal ko kayong nakasama.. Alam kong mahal na mahal ka ng anak mo.. Lumaki siyang ikaw ang kasama. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko na dahil sa akin iiwan mo siya." Napalapit na din kasi sa kin ang bata.

Pinakiusapan ko siya.. Na bumalik sa pamilya niya. At mangako siyang bubuuin niya yun. Pakakasalan niya ang gf niya..

Umalis ako ng maynila.. Lumayo ako.. halos isang taon din. Wala akong pinagsisisihan sa nangyari. Masasabi kong isa ito sa masayang parte ng buhay ko. Mali man.. Alam kong minahal ako at pinahalagahan ng taong ito.

Nabalitaan kong ikinasal na siya sa ina ng anak niya. Nagsasama pa rin sila. Masaya akong malaman na tinupad niya yung kaisa-isang hiniling ko sa kanya.

Ako.. Eto patuloy pa ring umaasa na isang araw, matatagpuan ko rin ang taong para sa akin. ^_^ Ayon nga kay Ricky Lee..

May quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya.

Sa ngayon hindi pa ko kasama sa quota. pero alam kong hindi lang libo o milyon ang umiibig sa buong mundo. Darating ang araw, Ko-quota rin ako! Malay mo sabay pa tayo. :P


Usapang pag-ibig Part I

Sa edad kong ito.. Umabot sa dalawa ang naging nobyo ko. Sisimulan kong ikwento ang una.

Siya si Chito. Ang lalakeng unang minahal ko ng tumuntong ako sa edad na disi-otso. Minahal ko ang lalakeng ito hindi man kami gaanong nagtagal. Bihira din ang aming pagkikita sapagkat nag-aaral ako.. Dahilan kung bakit nasira ang relasyong sinusubukan pa lang naming buuin. Marahil ganoon nga. Bata pa kasi kami kaya hindi ito nagtagal sa paraang gusto namin. Puppy love baga. teenage chorva.

Matapos kong makipagrelasyon sa kanya. Napagtanto kong hindi pa nga ako handa sa pag-ibig. Tinutukan ko nalang ang aking pag-aaral dahil yun din naman ang aking prioridad.

Edad bente ng dumating si Akihiro. Matagal ko na siyang kaibigan. Nawalan ng komunikasyon hanggang sa magkatagpo ulit. Doon nagsimula na ligawan niya ko at nagtagumpay naman siya. Mabait siya ngunit may mga pagkakataong tinotopak siya. Tumagal kami ng halos isang taon. Sa kanya ko ibinigay ang halos buo kong pagkatao. Umikot ang mundo ko sa kanya.. Ginawa ko lahat ng magagawa ko para lang magtagal kami at hindi siya mawala sa akin.

Ngunit... Mukhang hindi yun naging sapat para sa kanya. May pagkakataong nagagalit siya pag gusto niya. Ipinipilit niya ang gusto niya at pag hindi ko sinunod ay magagalit siya. Hanggang sa isang araw, pisikal na niya akong sinaktan. Doon ako parang nabuhusan ng malamig na tubig. Doon ako natauhan. Matapos ang araw na yon kahit mahal ko pa din siya at masakit pa din sa akin, pinili ko ang sarili kong kapakanan. Pinili kong iligtas ang aking sarili.

Naniniwala akong kapag nasaktan ka na ng pisikal ng isang lalaki, masusundan at masusundan na yun. Bigla ko ring naisip ang aking mga magulang. Napalaki nila ako ng maayos at ni minsan ay hindi ako napagbuhatan ng kamay ng mga magulang ko.

Nagpapasalamat ako sa mga taong nanatiling nasa tabi ko matapos ang mga nangyari. Sila na sumuporta sa akin at tumanggap kahit na nagkamali ako sa buhay.

Aral na natutunan ko rito? Naniniwala akong kahit gaano man kalaki ang naging kasalanan ng anak, hinding hindi ka pa rin matitiis ng mga magulang mo. Kahit na minsan mo silang tinalikuran, tatanggapin ka nila hindi lang sa kadahilanang anak ka nila. Kundi dahil mahal ka ng mga magulang mo. Walang ibang tatanggap at magmamahal sayo sa kabila ng napakarami mong kagagahang pinaggagawa sa buhay mo kundi ang pamilya mo at ang mga tunay mong kaibigan.