Linggo, Hulyo 17, 2011

LRT/MRT

Sa halos araw araw na pagsakay ko sa LRT o maging sa MRT, pakiramdam ko matapos ang 20 minuto, unti unting nababawasan ang pagkababae ko.

Putangina. magugulat ka na lang na may parang kumikiskis sa bandang likuran mo na parang malaking bukol. Iiwas ka, siya ang magpupursiging ikiskis yun sa likuran mo.

Minsan gusto kong sumigaw. Gusto kong isigaw ang mga katagang: "Putangina mo kuya! Kung nalilibugan ka ikiskis mo sa pader yan tapos budburan mo ng asin! Hayup! Hayup!" Pero ginagawa ko, pasimple ko silang sinisikuhan. Pag napaaray, "Ay kuya pasensya ka na. Masyado kasing makalog itong tren" HAHAHA.

Kung hindi ka nman matsa-tsansingan, naandyang mababalya ka ng bonggang bongga! Malas mo nlang kung kaliligo mo lang at si kuya ay walang pakundangang babalya sayo habang nanlalagkit ang buong katawan niya sa pawis! Gudlak! Dahil tiyak na paglabas mo. Sing tindi na ni kuya ang amoy mo! Bwahahahaha! :))

Balyahan, tulakan, siksikan. Yan ang araw araw na sumasalubong sa akin sa LRT.

May mga pagkakataon naman na ang napapatabi sa kin ang bango bango na fafable pa! Kung pwede lang sumandal sa mga bisig niya.. :D Perfect! Hahahaha! Ang kyut kyut lang siguro namin tignan. What a perfect couple. Bwahahahaha.

May mga araw naman na makakasakay ka sa virgin na virging LRT. Walang laman. Muntanga lang yung iba sa pag-uunahang makasakay kahit napakaluwag ng LRT. Hahaha. Gusto kong sabihin:

"Kayo na kayo na. Mga sugapa kayo sa upuan e!" Haha. Pero di naman ako ganon ka-maldita. :D

Isa rin ang LRT sa nasasandalan ko kapag broken hearted ako. F na F ko ang pagkakasandal sa kabilang bahagi ng pintuan habang nakatanaw sa malayo at nagmumuni-muni. :))

Ikaw, anong storya mo sa pagbyahe sa LRT? :D isa ka din ba sa natsansingan o isa ka sa mga nanantsing? Choz!

3 komento:

  1. pakiramdam ko matapos ang 20 minuto, unti unting nababawasan ang pagkababae ko

    AHAHAHAHAHAHAHA

    jusme, pwamis, di ko sukat maisip kung paano pa makakaisip ng mga mahahalay na gawain sa loob ng mrt/lrt dahil sa sobrang sikip at panganagmoy pawis :P

    TumugonBurahin
  2. Homaygash, madalas mangyari sa akin yan... in fact, hindi lang nabawasan... ubos na ang pagka babae ko!!!

    char.

    :)

    TumugonBurahin
  3. Eternal_Wanderer - oo nga! nakakalokah sila! ang kakati! hahahaha

    Ms.Chuni- sinabi mo pa! Araw araw tayong hinahalay sa LRT! hahahaha! choz!

    TumugonBurahin