Huwebes, Hulyo 21, 2011

Kalurkey!

Naalala ko ang nangyari makalipas ang ilang buwan. Mahigit isang taon na rin akong walang nobyo.. Hanggang sa napagpasyahan kong makipagkita sa isang kaibigan.

Inuman. Kwentuhan. Kamustahan. Masaya siyang kasama. Masasabi kong sa mga oras na yon, magaan ang loob ko sa kanya. Ang minuto ay naging oras. Ang gabi ay unti unti ng lumalalim.. At medyo tinatamaan na rin ako sa alak na iniinom namin. Nagiging malambing na siya. At inaamin ko. Kinikilig ako.

Hanggang sa hinalikan niya ko. Shit. Tangina hindi ako makaiwas. Nagulat ako. Para akong nalalamig na hindi ko mawari. Hanggang sa ang mga halik ay nagtagal.

At nangyari ang di ko inaasahan. Ang unang pagkakataong... Nakipag-one-night-stand ako. Nakipag-kembular ako sa di ko boyfriend. Matapos yun at ng maghiwalay kami... habang bumabyahe ako pauwi... Mukhang mas malayo na ang narating ng utak ko sa paglalakbay. Mukhang naunahan na akong makarating ng isip ko sa bahay namin. Ang daming tanong.. Ang daming pangaral. Ang daming sisi.

Pero nangyari na e. Pareho naming ginusto. Nagsorry siya tungkol sa nangyari. Para akong nabasted ng panahong yun. Masakit din pala sa pakiramdam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko noon. Kung bakit ako naiiyak na nagsorry siya sa nangyari e samantalang hindi nga naman kami. Di naman ako dapat nasasaktan pero bakit pakiramdam ko nun nasasaktan ako. Wala nman akong inaasahan. Ineexpect. pero hindi ko maintindihan kung bakit ganun. Ang bigat bigat lang sa pakiramdam.

Nagsisisi ba ko? Marahil ay oo. Kasi pakiramdam ko may isang bagay sa akin ang nawala. Kahit sabihin na hindi siya ang nakauna. Pinag-iingatan ko ang sarili ko at pinagsisisihan ko kung bakit naging ganun kadali nung mga oras na yun ko nabitawan.

Ang tanga-tanga ko lang..

Maraming tanong ang bumagabag sa akin gaya ng:

Paano kung mag-iba na ang tingin sayo ng taong yun?
Paano kung sabihin niya sa iba ang nangyari? 
Lalayo ba ako?
Iiwasan ko nalang ba siya?


Pero hinayaan ko nalang ang panahon ang siyang magbigay para makalimot. Darating din ang panahong mawawala ang pagkabagabag ko.. Nagtagumpay naman ako. Naiwaglit ko na ang madilim na pangyayaring ito sa buhay ko. Sa ngayon ay nagpapansinan parin kami at nagkakamustahan paminsan minsan.. Ayos na yun.

Aral na natutunan ko? Mas maging matapang. Wag maging mahina. Maglagay ng limitasyon sa sarili. Mas pahalagahan ang sarili.

Para sa ilang tulad ko na nakaranas nito, magsilbi sanang aral at gabay ang kaganapang ito sa inyong buhay. respetuhin at pahalagahan niyo ang sarili ninyo.

Ito ang isa sa mga bagay na di ko na uulitin pa. Babae lang din ang talunan sa larong ito. Wala kang panalo.

2 komento: